EMSD ng HKSARG ng PRC ay mayroong dalawang sangay – Serbisyong Pang-regulatoryo at Serbisyong Pangkalakalan – upang mag-hatid ng serbisyong E&M sa pagpapa-laganap ng kaligtasan at kalidad ng buhay sa Hong Kong.
Ang aming sangay ng Serbisyong Pang-regulatoryo ay mayroong ilang dibisyon na may kani-kanilang espelisasyon sa iba’t-ibang lawak sa seguridad pang-mekanikal, seguridad sa gas, seguridad pang-elektrikal, seguridad sa riles, kahusayan sa pag-gamit ng enerhiya at pagsubaybay sa mga utilidad. Aming ipinapatupad ang susing pagsasabatas kabilang ang:
at kanilang mga nasasakupang legislasyon. Aming sinusubaybayan ang mga kompanya ng enerhiya at gas, nire-regula ang kalakalan ng elektrikal, gas, kontraktor ng elebeytor at eskalador at mga nangangalakal at inaabisuhan ang Gobyerno sa kaligtasang nuklear. Ang aming Opisina ng Kahusayan sa Enerhiya ay nangunguna sa mga malalawak na programang kahusayan sa enerhiya katulad ng pagtatatak sa mga kasangkapan at kagamitan. Ang aming koponan ay nagsasagawa ng pang-publikong programa sa kahusayang enerhiya at sumusuporta sa Gobyerno sa kanilang mga ipinapalaganap na pagtitipid ng enerhiya at pagaaral sa mga ito. Sa pamamagitan ng kapangyarihan sa ilalim ng Ordinansya ng Pampublikong Kalusugan at Serbisyong Munisipal at sa pakikipag-tulungan sa Departamento ng Pagtustos ng Tubig, aming nire-regula ang mga tore na nagpapalamig ng sariwang tubig, na nakakabawas ng potensyal na pagkakaroon ng Legionnaires’ disease. Sa pakikipag-tulungan sa Gobyerno, gumagawa ng batas, pangkalakal at industriya at sa publiko, ang aming layunin ay paigtingin ang seguridad at kalidad ng buhay sa Hong Kong.
Ang Serbisyong Pondong Pangangalakal na Elektrikal at Mekanikal (EMSTF) ay itinayo noong 1996. Ito ay nagbibigay ng malawak na serbisyong inhenyeriyang E&M sa mahigit na 80 departamento ng gobyerno at pampublikong opisina sa Hong Kong sa pamamagitan ng limang Yunit ng Madiskarteng Gawain (SBUs) mga sumusunod:
Bawat SBU ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tiyak na grupo ng departmento ng gobyerno at sektor pampubliko. Ang EMSTF ay nagkakaloob ng malawak na serbisyong inhenyeriyang E&M sa serbisyong panghimpapawid, eskwelahan, kalinisang pangkalikasan, gusali at pasilidad ng gobyerno, ospital, panlibangan at kultural na lugar, mga daungan, serbisyong pangkoreo, proyektong pangasiwaan at pangkonsulta. Ang EMSTF ay gumagana sa ilalim ng internasyonal na sistemang sertipikasyong ISO9001, ISO14001, OHSAS18001 at ISO27001 sa paghahatid ng kalidad na serbisyo sa mga mamimili habang pinapanatili ang makakalikasang operasyon at seguridad at kaligtasan sa trabaho. "Paglilikha ng pampublikong halaga para sa pagpapabuti ng komunidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating mga kliyente”ay ang layunin ng korporasyon ng EMSTF.
Sa pagtitiyak ng seguridad ng publiko, and EMSD ay nangunguna sa paglalaganap ng mga pamantayang pang-seguridad at may preparasayon at pagpapatupad ng mga batas sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Ordinansang Elektrikal. Sa pag-suporta sa ordinansang ito, ang mga sumusunod ay sakop ng responsibilidad ng EMSD: paniniguro ng ligtas na pagbuo pang elektrikal, ligtas na produktong elektrikal, at ligtas at maaasahang pagtustos ng elektrisidad at maging sa pagpapalaganap ng ligtas na mga Gawain at ligtas nap ag-gamit ng elektrisidad sa pamamagitan ng edukasyong pampubliko.
Kabilang ang mga partikular na aktibidad:
Ang sangay ng Riles sa ilalim ng EMSD ay ang awtoridad pang-regulatoryo sa seguridad sa riles sa Hong Kong. Ang sangay ng Riles ang nagre-regula at sumusubaybay sa ligtas na operasyon ng mga sumusunod na Sistema ng riles:
Ang mga pangunahing trabaho ng Sangay ng Riles ay ang mga sumusunod:
Sa EMSD, ang Opisina ng Mahusay na Enerhiya (EEO) ay itinayo noong 1994, upang maghatid ng teknikal na kadalubhasaan at magpatupad ng mga programa sa mahusay na paggamit at pagtitipid ng enerhiya. Ang opisina ay nagtratrabaho sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga pamantayan ng enerhiyang pang-gusali, magtatag ng mga alituntunin, at kaakibat ng mga grupo at komite sa mahusay nap ag-gamit at pagtitipid ng elektrisidad. Karagdagang mga gawain mula sa pamamahala ng enerhiya hanggang sa pamamahala sa database, benchmarking, pagsubok ng iba pang teknolohiya sa mahusay na pag-gamit ng enerhiya, mahusay na pamamaraan ng pagtatak, pagpapalaganap ng malawak na paggamit ng bago at napapalitang enerhiya. Sa ating tagumpaysa direksyong ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng makakalikasan at maliwanag na hinaharap para sa lahat sa Hong Kong.
Bilang awtoridad sa Gas ng Hong Kong, ang Direktor ng EMSD ay responsible sa pagpapatupad ng Ordinansan sa seguridad pang-gas at kumakatawang regulator ng seguridad pang-gas. Ang EMSD ay nagtratrabaho sa paggawa ng mga pamantayan ng seguridad pang-gas at pagpapatupad ng ligtas na gawain sa trabahong importasyon, paggawa, pagtago, pag-byahe, tustos at gamit ng Town Gas, Liquefied Petroleum Gas (LPG) at Natural Gas.
Unang mga aktibidad ay ginawa noong 1982. Unang priyoridad ay ang pagpapabuti ng seguridad pang-gas na sinusundan ng paggawa ng batas pang-seguridad sa pagsubaybay, pag-regula at pag-kontrol ng mga aktibidad sa loob ng industriya. Bilang resulta, ang ordinansa sa seguridad pang-gas ay naipatupad noong 1991 na bumubuo ng pang-regulatoryong sangay para sa industriya ng Hong Kong. Kasama ng pagtatag ng batas, ang EMSD ay katuwang sa pagpapatupad ng gawaing seguridad pang-gas at ligtas na pag-gamit sa pamamagitan ng:
Simula 17 ng Disyembre 2012, ang Ordinansa ng Elebeytor at Eskalador (Kaligtasan) (Kapitulo 327) (‘ang LESO’) ay napalitan ng tuluyan ng bagong Ordinansa ng Elebeytor at Eskalador (Kapitulo 618 - Ingles) (‘ang Ordinansa’) at ng dalawang regulasyon, angElebeytor at Eskalador (Pangkalahatan) Regulasyon (Kapitulo 618A - Ingles) at ng Elebeytor at Eskalador (Bayad) Regulasyon (Kapitulo 618B - Ingles).
Lahat ng sirkular na inilathala sa ilalim ng and LESO ay nanatili sa aming homepage ng department sa Paglalathala Sirkular (Ingles), upang magbigay ng gabay at sanggunian sa publiko sa mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan ng elebeytor at eskalador.